Mopsky

Love, Friendship, Relationships…

Archive for the ‘Funny’ Category

Call Center Side Effects – Pinoy Style

Posted by mopsky on August 17, 2007

Eto ang mga side effects ng pagtatrabaho sa CALL CENTER …

sa sarili mo :
01. wala ka nang pakialam sa buhay
02. di mo na kilala ang mga bagong artista…. si mahal at mura lang
03. di mo na alam itsura ng mga malls…
04. sanay ka na ding mag English o mag coño!
05. kaya mong tiisin na di palitan ang damit mo ng 16 hours
06. at magtataka ka dahil sanay ka ng magmura sa mga amerikano..
07. tawag sa auto mo ay taxi, kasi palaging gabi bumabyahe..
08. lahat ng kaibigan mo may christmas vacation ikaw wala
09. di mo maenjoy christmas party kasi kaylangan mo bumalik sa office dahil may pasok ka pa sa work.
10. yung ex mo may kasama ng iba
11. nanghihingi ka pa ng baon sa nanay mo kahit mas malaki sweldo mo sa kanya..
12. kapag may national crisis at rally, di ka makakasama… pakikinggan mo na lang sa radyo…at kahit binobomba na ayala nung Oakwood mutiny, nag-cacalls ka parin kasi bawal abandon calls.
13. oo nga pala! dati pag nag copy paste ka sa pc, ginagamit mo lang right click sa mouse, ngayon ctrl C at ctrl V na.

pag nasa bahay :
01. pagka sa sagot ka ng telepono, lagi na lang may opening spiel…
02. di na halos kayo nagkikita ng nanay at tatay mo, ang tawag na nila sayo ay “boarder” at sinisingil ka na nila sa upa mo! (uy magbayad ka!)
03. di ka na kilala ng aso nyo
04. sanay ka ng kumain sa harap ng pc mo kahit nsa bahay…
05. pag day off mo na lang ikaw nakakapaanood ng Eat bulaga at MTB –
06. gusto mo na den bumili ng water dispenser kasi pitsel lang ang nasa bahay nyo…

07. nag hahanap ka sa kahitbahay nyo na mga amerikano, australiano, at german at british…feeling pang international na ang world mo.
08. kahit may malaki kayong speaker sa bahay gusto mo pa din naka-earphones!
09. pudpod na tenga mo sa kaka-pakinig ng paolo “payatot” santos
10. akala mo may sarili kang locker sa bahay nyo…..
11. di ka na nagbabawas sa bahay, sanay ka na sa cr ng 15th floor or ibang floors.
12. nang ho-hoard ka na din ng tissue sa bahay
13. gusto mo na ding maglagay ng alcogel sa banyo nyo..
14. pag nag cr ka…sanay ka na sa gripo na automatic at toilet bowl…
15. nasusuka ka na pag nakita mo ang pc sa bahay nyo..
16. maglo-lock ka ng pc kahit sa bahay na. pag pindot mo ng CTRL + ALT + DEL iba ang lalabas at matatawa ka na lang sa sarili mo dahil para kang gago. –
17. nung pinasok ng akyat bahay ang bahay nyo, magsisigaw ka ng HACKER!!! HACKER!!!
18. sanay ka na sa mga prank callers at mga death treats na nakasulat lang.. sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito gabi-gabi sa trabaho eh…”I’m sorry sir/ma’am if you continue to use such an abusive language I’ll be forced to terminate this call, please be reminded too that this call is recorded.”

Read the rest of this entry »

Posted in Call Center, Funny | 1 Comment »